Ang diwa ng pasko essay

siFRANZayPINOY

Ang Tunay na Diwa ng Pasko

“Ang kapayapaan ay maghahari kung ang diwa ng Pasko ay nasa atin palagi.”

Nakita ko ang video na ito kanina sa YouTube.

Natouch ako sa ginawa ng bata.

Tama nga naman. Sa sobrang busy natin sa buhay. Minsan nakakalimutan na natin ang Pasko. O kahit maalala natin. Naglalagay lang tayo ng mga dekorasyon sa bahay. Hindi na natin inaalam kung para saan ba talaga ang mga ito. Ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng Pasko?

Ang video na ito ay paalala lamang sa atin na kahit madami tayong ginagawa, kailangan pa din na alalahanin natin ang tunay na diwa ng Pasko.

Dapat laman na ibalik natin si Hesus sa ating mga puso at alalahanin ang Kaniyang kapangakan. Dahil sa Kanya kaya natin ipinagdiriwang ang araw na ito.

Nais ko ding ibahagi ang isang photo montage na ginawa ko ilang taon na ang nakararaan. Masaya na din ako at kahit konti ay may nanonood nito sa YouTube at ang iba ay humingi pa ng permission sa akin para ipakita ito sa kanilang klase at Christmas Programs.

Ang Diwa Ng Pasko

Mga kapanalig, paparating na naman ang Kapaskuhan – ito’y isang pagdiriwang na patok at malawakan para sa pamilya. Ramdam na ramdam na ito, ngayon pa lang, dahil lumalamig na ang panahaon; dahil nakikita na natin ang pagbebenta ng mga parol sa mga kalsada; at nadidinig na din natin ang mga kantang may tema ng Pasko tuwing nasa mall.

Ngunit, hindi maiiwasang magkaroon ng isyu kahit dito sa isang pagdiriwang na matagal nang nakakintal sa pagiging Pilipino. Unang-una, ang Kapaskuhan ay isang selebrasyon ng pagdating ni Kristo sa mundo. Ayon sa aklat ni propeta Isaiah (9:6), For to us a child is born, to us a son is given, and the government will be on his shoulders. And he will be called Wonderful Counselor, Mighty God, Everlasting Father, Prince of Peace.

Kung kaya’t ang tunay na saysay ng Pasko ay ang pagligtas sa atin ng Panginoon. Naging tao ang Diyos at sa pamamagitan nito, naging kumpleto na ang ‘salvation history’ ng sandaigdigan. Ngunit, kapanalig, tila natatabunan na ang ganitong diwa ng Pasko; sapagka’t mas napagtutuunan pansin ang mga kapistahan at kasiyahan. Ito ang tinatawag na phenomena of ‘Christmas Consumerism’. Nagaganap ito tuwing mga regalo, pista, kainan na lang ang iniisip ng mga tao. Nalilimutan na ang mga mahahalagang aspeto ng Pasko gaya ng pagkakaisa, pagmamahal sa kapwa, at pagdarasal.

Mayroon pa nga umanong mga masasamang idinulot ang Pasko – polusyon. Noong 2010, nananawagan si Caloocan Bishop Deogracias Iniguez na gawing simple lamang ang pagdiriwang ng Pasko. As we recall with joy the birth of our Redeemer, I encourage everyone to observe it in simplicity and be the watchful of crass consumerism and the ensuing garbage that it generates, ayon kay Bishop Iniguez.

Ngunit, ngayong paparating na Kapaskuhan, may bagong pag-uugali na nangingibabaw. Madaming nananawagan na iwasan na lamang ang gumastos sa Pasko at mag-ambag na lamang para sa mga nabiktima ng typhoon Yolanda. May slogan mula sa nogiftxmas. org ng UNICEF at Philippine Red Cros na nagsasabing ‘No Gft XMAS’ upang makapagbigay na lang ng donasyon ang mga taong napinsala ng bagyo.

Pagkakataon na ito upang patunayan ang tunay na diwa ng Pasko – ang pagmamahal sa kapwa. Nakakataba ng puso tuwing nakakadinig ng mga Gawain tulad nito – na isasantabi na lamang ang mga luho at material na bagay upang makatulong sa ikabubuti ng mga nangangailangan. Mukhang hindi lang manan pala ‘consumerism’ ang mamumuno sa Pasko; mananaig din ang pagiging Katoliko.

Ano ang Tunay na Kahulugan ng Diwa ang Pasko?

Ano ang tunay na kahulugan ng diwa ang pasko? Ating alamin sa pamamagitan ng akdang ito. Ngunit bago ang lahat, narito muna ang ilang mahahalagang konsepto at kaganapan tuwing pasko na nararapat mong malaman.

Pascua de Natividad at Noche Buena

Ito ay salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay pasko o kung tawagin noon ay Pista ng Natibidad. Ito ay ating ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre. Ito ang pinaka-espesyal na araw na ipinagdiriwang sa halos lahat ng sulok ng mundo. Lahat tayo ay masaya sa araw ng kapaskuhan sapagkat ito ay mahalagang araw nung si Jesus ay isinilang sa sabsaban upang iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan ayon sa propesiya.

Sa ngayon, ating ipinagdiriwang ang kapaskuhan sa mga nakaugaliang pamamaraan. Ang iba ay magkakaroon ng reunion kung saan lahat ng magkakamag-anak ay magsalo-salo. Magluluto ng mga espesyal na pagkain kagaya ng puto bumbong at bibingka. Hindi rin mawawala ang mga tradisyonal na pagkain, kasama na dito ang hamon, keso de bola at chocolate. Ang mga ito ay niluluto maging tuwing Noche Buena.

Misa de Gallo o Simbang Gabi

Ito ay tradisyun nating mga Pinoy na magsisimba ng madaling araw sa loob ng ng siyam na araw simula ika-16 ng Disyembre hanggang sa pagdating ng kapaskuhan. Sinasabing kapag nakumpleto natin ang siyam na araw ng pagsisimba ay matutupad ang ating mga kahilingan. Sang ayon ba kau dito mga kaibigan? Nagmimisa de gallo pa ba ang ilan sa atin?

Panunuluyan

Sa iba’t — ibang lugar sa Pilipinas, ito ginagawa kung saan isinasadula ang paghahanap ni Jose at Maria ng matutuluyan upang isilang ang kanilang anak na si Hesus sa araw ng kapaskuhan. Ito ay tinawag na Panunuluyan, Pananawagan at Pananapatan. Ginagawa ito tuwing bisperas ng Pasko, Disyembre 24, kung saan ang mga naitalagang magsasadula ay nagpupunta sa mga bahay at umaawit ng tradisyunal na awitin upang magising ang may-ari ng bahay at tanungin kung maaari silang manuluyan. Hindi sila papapasukin ng mga may-ari ng bahay at sa halip ay magtutuloy sila sa simbahan kung saan nakahanda ang sabsaban upang maging pansamantala nilang tuluyan. Ang kapanganakan ni Hesus ay ipinagdiriwang kasabay ng Misa de Gallo.

Ang Tunay na Kahuluhan ng Pasko

Sa kabila ng pagsunod sa mga tradisyon, misan nakakalimutan ng ilan sa atin ang tunay na kahulugan ng pasko. Ang iba ay abala sa paghahanda ng iba’t ibang pagkain at ang iba naman ay sa mga regalo. Ngunit di natin dapat kalimutan ang tunay na diwa ng pasko. Ito ay panahon ng pagbibigayan, pagmamahalan, at higit sa lahat pagpapasalamat sa ating mahal na panginoon para sa lahat ng biyaya na pinagkaloob niya sa atin sa buong taon. Wag nating kalimutan magpasalamat sa ating Diyos na siyang dahilan kung bakit tayo’y nandito at nagdiriwang ng kapaskuhan, nawa’y lagi tayong mgpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap sa araw-araw. Hindi lang dapat sa araw ng pasko ang pagmamahalan, datapwat isapuso natin na dapat tayo’y palaging magbigayan at isantabi ang hindi pagkaka-unawaan. Ang pasko ay para din sa mga bata na laging masaya sapagkat sila ay natutuwa sa mga regalo mula sa kanilang mga ninong at ninang.

Ikaw handa ka na ba para sa pagdating ng Pasko? Nawa’y wag mong kalimutan ang tunay na diwa nito.