Ano ang pasko para sa akin essay

Ang Diwa Ng Pasko

Mga kapanalig, paparating na naman ang Kapaskuhan – ito’y isang pagdiriwang na patok at malawakan para sa pamilya. Ramdam na ramdam na ito, ngayon pa lang, dahil lumalamig na ang panahaon; dahil nakikita na natin ang pagbebenta ng mga parol sa mga kalsada; at nadidinig na din natin ang mga kantang may tema ng Pasko tuwing nasa mall.

Ngunit, hindi maiiwasang magkaroon ng isyu kahit dito sa isang pagdiriwang na matagal nang nakakintal sa pagiging Pilipino. Unang-una, ang Kapaskuhan ay isang selebrasyon ng pagdating ni Kristo sa mundo. Ayon sa aklat ni propeta Isaiah (9:6), For to us a child is born, to us a son is given, and the government will be on his shoulders. And he will be called Wonderful Counselor, Mighty God, Everlasting Father, Prince of Peace.

Kung kaya’t ang tunay na saysay ng Pasko ay ang pagligtas sa atin ng Panginoon. Naging tao ang Diyos at sa pamamagitan nito, naging kumpleto na ang ‘salvation history’ ng sandaigdigan. Ngunit, kapanalig, tila natatabunan na ang ganitong diwa ng Pasko; sapagka’t mas napagtutuunan pansin ang mga kapistahan at kasiyahan. Ito ang tinatawag na phenomena of ‘Christmas Consumerism’. Nagaganap ito tuwing mga regalo, pista, kainan na lang ang iniisip ng mga tao. Nalilimutan na ang mga mahahalagang aspeto ng Pasko gaya ng pagkakaisa, pagmamahal sa kapwa, at pagdarasal.

Mayroon pa nga umanong mga masasamang idinulot ang Pasko – polusyon. Noong 2010, nananawagan si Caloocan Bishop Deogracias Iniguez na gawing simple lamang ang pagdiriwang ng Pasko. As we recall with joy the birth of our Redeemer, I encourage everyone to observe it in simplicity and be the watchful of crass consumerism and the ensuing garbage that it generates, ayon kay Bishop Iniguez.

Ngunit, ngayong paparating na Kapaskuhan, may bagong pag-uugali na nangingibabaw. Madaming nananawagan na iwasan na lamang ang gumastos sa Pasko at mag-ambag na lamang para sa mga nabiktima ng typhoon Yolanda. May slogan mula sa nogiftxmas. org ng UNICEF at Philippine Red Cros na nagsasabing ‘No Gft XMAS’ upang makapagbigay na lang ng donasyon ang mga taong napinsala ng bagyo.

Pagkakataon na ito upang patunayan ang tunay na diwa ng Pasko – ang pagmamahal sa kapwa. Nakakataba ng puso tuwing nakakadinig ng mga Gawain tulad nito – na isasantabi na lamang ang mga luho at material na bagay upang makatulong sa ikabubuti ng mga nangangailangan. Mukhang hindi lang manan pala ‘consumerism’ ang mamumuno sa Pasko; mananaig din ang pagiging Katoliko.

Alternative Learning System Tutor

Ang ALS TUTOR ng bayan!

TIPS SA PAGSULAT NG SANAYSAY: Bakit mahalaga ang balangkas o outline sa pagsulat ng essay?

“Ang hirap magsulat ng essay!” Iyan ang madalas na reklamo ng aking mga ALS Learners sa Maynila. Hindi ko sila masisisi, dahil mahirap naman talagang magsulat ng sanaysay o essay , lalo na kung hindi sila pamilyar sa paksa o topic na ibinigay ko sa kanila.

Lubos ko rin silang nauunawaan, dahil maging ako na nasa kolehiyo na ay nahihirapan pa ring magsulat ng essay kung minsan (aminin!).

Dalawa lang ang sanhi kapag nahihirapan akong magsulat ng essay:

Una ay dahil wala akong alam sa topic.

Pangalawa ay dahil sobrang dami kong alam sa topic.

Naniniwala ako na ito rin ang dahilan kung bakit nahihirapan magsulat ng essay ang halos lahat sa atin, hindi ba?
Hayaan ninyong talakayin natin sa artikulong ito kung paano natin maiiwasang mahirapang magsulat ng essay kapag sobrang dami nating alam sa topic o kahit kapag sapat lang ang alam natin.

Ito ang limang problema na kadalasang nararanasan natin kapag pamilyar tayo sa topic ng essay:

  1. Alam ko ang topic, pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula o kung paano ako magtatapos.
  2. Alam ko ang topic, pero hindi ko alam kung ano sa mga nalalaman ko sa topic ang isasama ko sa essay.
  3. Alam ko ang topic, pero nahihirapan akong ayusin ang mga ideya ko.
  4. Alam ko ang topic, pero nawawala ako sa focus habang sinusulat ko na ang essay.
  5. Alam ko ang topic, pero hindi ko maiwasang maging paulit-ulit ang mga ideya ko sa loob ng aking essay.

Huwag kayong mag-alala. Normal lang ang mga problemang ito at madali lang itong maiwasan sa pamamagitan ng paggamit ng balangkas o outline.

Ang BALANGKAS o OUTLINE ay ang iskeleton o plano ng isang sulatin, katulad ng essay o sanaysay.

Maihahalintulad ito sa plano ng isang bahay bago gawin ito ng mga inhinyero, sa kawayan o sticks na nagpapatibay sa isang sarangola, o sa isang mapa na ginagamit ng mga manlalayag.

Sa pamamagitan ng paggawa ng balangkas o outline, mas nagiging madali para sa atin ang magsulat ng essay.

Ito ang limang halimbawa kung paano tayo matutulungan ng paggawa ng balangkas o outline sa pagsulat ng isang essay:

  1. Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas mapag-iisipan mong mabuti kung paano mo sisimulan o tatapusin ang iyong sanaysay.
  2. Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mapipili mo ang mga ideya o konsepto na nais mong isama sa sanaysay. Dapat lahat ng ito ay magkaka-ugnay.
  3. Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas magiging madali sa iyong ayusin ang mga ideya sa iyong sanaysay. Mapipili mo kung ano ang mga ideyang nais mong ilagay sa panimula, katawan at katapusan ng iyong sanaysay.
  4. Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong mawala sa focus habang nagsusulat ng sanaysay dahil para itong mindmap. Gagabayan ka nito para maisula ng malinaw ang iyong mga ideya.
  5. Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong maging paulit-ulit ang mga ideya sa iyong sanaysay, dahil sa simula pa lang ay naka-plano na kung ano ang mga ideyang isasama mo at hindi.

Alam kong hindi madaling gumawa ng balangkas. Nahirapan din ako sa paggawa nito oong ako ay nagsisimula pa lang magsulat. Kailangan mo lang mag-praktis para ma-master ang skill na ito.

Nasa ibaba ang isang halimbawa ng balangkas o outline na ginawa ng isa sa aking mga ALS Learners sa MAynila. Ito ay para sa isang sanaysay na may tatlong talata na binubuo ng 3-4 na pangungusap. Ito ang format ng essay sa A&E Test para sa hayskul.

PAKSA: Ano ang aking gagawin para makapasa sa A&E Test?

I. Mga Pangarap na Nais Kong Maabot

  • Makapagtapos ng pag-aaral
  • Maiahon ang pamilya sa kahirapan
  • May maipagmalaki sa mga taong mababa ang tingin sa akin

II. Mga Paraan para Makapasa sa A&E Exam

  • Magbabasa ng maraming A&E Modyul
  • Magsisiapg sa pagsulat ng sanaysay
  • Makikinig sa payo ng aking mga guro
  • Gagawin ang lahat para makapasa sa A&E Test
  • Hinding-hindi sasayangin ang pangalawang pagkakataong handog ng Alternative Learning System (ALS)
  • Iaaalay sa bayan ang lahat ng pagsisikap at tagumpay.

Hindi ba, mas madli na para sa iyo na magsulat ng essay gamit ang balangkas na nasa itaas? (Sana OO, ang sagot mo.)

Alam kong time-consuming ang paggawa nito, pero kapag nasanay ka ng gumawa ng balangkas, kahit walang papel, kaya mo ng gumawa ng balangkas gamit ang iyong isip lamang.

Ito ang magiging daan mo para maipasa ang essay part sa darating na A&E test. Tandaan 60% ang bigat nito sa pagsususlit!

(Basahin mo ang iba pang halimbawa ng balangkas o outline sa blog na ito.)

Ano ang Tunay na Kahulugan ng Diwa ang Pasko?

Ano ang tunay na kahulugan ng diwa ang pasko? Ating alamin sa pamamagitan ng akdang ito. Ngunit bago ang lahat, narito muna ang ilang mahahalagang konsepto at kaganapan tuwing pasko na nararapat mong malaman.

Pascua de Natividad at Noche Buena

Ito ay salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay pasko o kung tawagin noon ay Pista ng Natibidad. Ito ay ating ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre. Ito ang pinaka-espesyal na araw na ipinagdiriwang sa halos lahat ng sulok ng mundo. Lahat tayo ay masaya sa araw ng kapaskuhan sapagkat ito ay mahalagang araw nung si Jesus ay isinilang sa sabsaban upang iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan ayon sa propesiya.

Sa ngayon, ating ipinagdiriwang ang kapaskuhan sa mga nakaugaliang pamamaraan. Ang iba ay magkakaroon ng reunion kung saan lahat ng magkakamag-anak ay magsalo-salo. Magluluto ng mga espesyal na pagkain kagaya ng puto bumbong at bibingka. Hindi rin mawawala ang mga tradisyonal na pagkain, kasama na dito ang hamon, keso de bola at chocolate. Ang mga ito ay niluluto maging tuwing Noche Buena.

Misa de Gallo o Simbang Gabi

Ito ay tradisyun nating mga Pinoy na magsisimba ng madaling araw sa loob ng ng siyam na araw simula ika-16 ng Disyembre hanggang sa pagdating ng kapaskuhan. Sinasabing kapag nakumpleto natin ang siyam na araw ng pagsisimba ay matutupad ang ating mga kahilingan. Sang ayon ba kau dito mga kaibigan? Nagmimisa de gallo pa ba ang ilan sa atin?

Panunuluyan

Sa iba’t — ibang lugar sa Pilipinas, ito ginagawa kung saan isinasadula ang paghahanap ni Jose at Maria ng matutuluyan upang isilang ang kanilang anak na si Hesus sa araw ng kapaskuhan. Ito ay tinawag na Panunuluyan, Pananawagan at Pananapatan. Ginagawa ito tuwing bisperas ng Pasko, Disyembre 24, kung saan ang mga naitalagang magsasadula ay nagpupunta sa mga bahay at umaawit ng tradisyunal na awitin upang magising ang may-ari ng bahay at tanungin kung maaari silang manuluyan. Hindi sila papapasukin ng mga may-ari ng bahay at sa halip ay magtutuloy sila sa simbahan kung saan nakahanda ang sabsaban upang maging pansamantala nilang tuluyan. Ang kapanganakan ni Hesus ay ipinagdiriwang kasabay ng Misa de Gallo.

Ang Tunay na Kahuluhan ng Pasko

Sa kabila ng pagsunod sa mga tradisyon, misan nakakalimutan ng ilan sa atin ang tunay na kahulugan ng pasko. Ang iba ay abala sa paghahanda ng iba’t ibang pagkain at ang iba naman ay sa mga regalo. Ngunit di natin dapat kalimutan ang tunay na diwa ng pasko. Ito ay panahon ng pagbibigayan, pagmamahalan, at higit sa lahat pagpapasalamat sa ating mahal na panginoon para sa lahat ng biyaya na pinagkaloob niya sa atin sa buong taon. Wag nating kalimutan magpasalamat sa ating Diyos na siyang dahilan kung bakit tayo’y nandito at nagdiriwang ng kapaskuhan, nawa’y lagi tayong mgpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap sa araw-araw. Hindi lang dapat sa araw ng pasko ang pagmamahalan, datapwat isapuso natin na dapat tayo’y palaging magbigayan at isantabi ang hindi pagkaka-unawaan. Ang pasko ay para din sa mga bata na laging masaya sapagkat sila ay natutuwa sa mga regalo mula sa kanilang mga ninong at ninang.

Ikaw handa ka na ba para sa pagdating ng Pasko? Nawa’y wag mong kalimutan ang tunay na diwa nito.